Taong 2100, ng makamit na ng tao ang rurok ng pag-unlad sa teknolohiya. Nagawa na niyang magawa ang imposibleng gawin noong mga nakaraang siglo, tulad na lamang ng Time machine . Nagbago na rin ang pananamit ng mga tao bunga ng papalit-palit na pagbabago sa mga style ng damit. Mapapansin rin sa kapaligiran ang polusyon dahil sa wala ng mapagtapunan ang mga tao ng mga hindi nabubulok na basura tulad ng plastic. Pero taong 2083, ng malikha ng tao ang iasng machine na kayang paliitin ang mga basura na kasing-liit ng isang atom, kaya madalin ring nasugpo ang laganap na polusyon. Dumako naman tayo sa isang pangyayaring hindi inaasahan ng mga guro at estudyante sa isang paaralan. Sa hindi inaasahang pagkakataon, dumating ang isang pambihirang lumilipad na sasakyan na kulay tanso at may nakakasilaw na putting ilaw ang nakabalot ditto. Lumapag ang nasabing sasakyan sa isang paaralan sa San Pablo, Laguna.
Tanghaling tapat sa paaralan ng Col. Lauro Dizon Memorial National High School ng inatasan ng bawat guro ang mga estudyante na kumain na ng tanghalian. Napaka-init ng mga panahong iyon, buti na lang may handa ang bawat estudyante ng Anti-UV Glasses at may special suit pa upang hindi maabot ng UV-Rays (Lubhang napakanipis na kasi noon ng Ozone Layer Kaya Naman unti-unti na ring nakakapasok ang mga UV-Rays sa ating mundo). May puting ilaw na sasakyan ang unti-unting papalapit sa nasabing paaralan. Nabigla ang lahat at namingha ang mga estudyante sa kanilang nakita. Isang Space ship ang lumapag sa Oval Track and Field ng Dizon High na siya naming lalong nagpalala sa init ng panahon dahil sa ilaw nitong inilalabas.
Napansin ng lahat ang unti-unting pagbukas ng malaking pinto ng sasakyan. Tumambad na naman sa lahat ang mas maliwanag pang puting ilaw matapos mabuksan ang pinto. Unti-unting nawala ang ilaw at tumambad sa kanila ang tatlong pambihirang nilalang (Alien ang tawag sa tatlo. Nadiskubre ang pagkakaroon ng alien sa labas ng Solar System noong taong 2074 kung saan matatagpuan sila sa planetang Theamari-0A).
Kakaiba ang mga nilalang na nakita ng mga estudyante, hindi nila tayo gayang mga tao. Nagsalita ang isang alien ng wikang Filipino na nagpamangha sa lahat. Nagwika ang babaeng alien, “ kamusta mga taga-planet Earth, ang pangalan ko ay Ursula. Kami ng mga kasama ko ay nanggaling sa planetang Theamari-0A. Nandirito kami para sa mahalagang misyon.” Nagsalita naman ang pangalawang alien, “ Ako si Bekimon, at ako ang prinsesa ng n gaming planeta.” Nagsalita rin ang pangatlong alien, “ Ako si Owl, ang pinakamagaling na mandirigma n gaming planeta.”
Si Ursula, ang kapatid ng prinsesa Bekimon, ay may kapangyarihang patumbahin ang kanyang mga kalaban sa pamamagitan ng malakas at malagom niyang pagsigaw ng “AWSOME!” si prinsesa Bekimon naman ay may kapangyarihan pagalawin ang kanyang napakalaking isang mata ng 360 degrees upang Makita ang lahat ng kanyang kalaban sa paligid. Bukod sa kanyang mga mata , kaya nya ring paikutin ang kanyang leeg. Samantalang si Owl naman ay may kapangyarihang gaya ng kay Ursula ngunit ang panlaban naman niya ay ang pagsasabi ng “WOO-WOO” n g Malakas.
Lumabas ang punong-guro ng paaralan at ito’y namangha ng Makita ang tatlong Aliens. Tinanong niya ang isa sa mga ito kung ano ang kailangan nila sa paaralan. Sumagot si Ursula, “ Paulit-ulit?!, sabing may mahalaga kaming misyong dapat gawin.”
Nagtataka ang nga estudyante kung ano kaya ang pakiramdam ng palagiang pag-ikot ng mata ni Bekimon. Tinanong nila ito at ito’y nagwika ng: “ Natural lang talaga ang pag-ikot ng aking mata upang matyagan ang mga kalaban “ ( Ngunit sa totoo lang, hilong-hilo na talaga si Bekimon at masakit na ang kanyang ulo kama-matyag ng mga kalaban.)
Nagtaka rin ang mga estudyante sa katabaan ni Ursula. Nagsalita si Ursula: “ Natural rin ito sa akin, ngunit ang advantage ko sa ibang alien ay sa tuwing nagbabago ako ng anyo bilang isang barko, parang yate lamang ako tingnan.” Ngunit mas namangha ang lahat sa sobrang taas na si Owl ngunit napahalakhak na lamang sila nang puro ang imaik na lamang niya ay “WOO-WOO” ng Makita ang isang napakagandang babae.
Dahil sa pinagtatawanan na lamang sila ng lahat, nagwika si Ursula na tumigil ang lahat sa pagtawa. Ngunit ayaw tumigil ng lahat sa pagtawa kaya naman ginamit na niya ang kanyang kapangyarihan. Tinulungan siya ni Owl sa pagsigaw ng WOO WOO WOO,WOO WOO WOO ,AWSOME!” Halos mabingi ang lahat sa pagsigaw ng dalawa. Tumahimik na ang lahat at nagsalita na si Bekimon: “ Nandirito kami para sa isa mahalagang misyon, ito ay upang kolektahin ang inyong mga chalk.” “Ngunit saan ninyo gagamitin ang mga chalk na iyan? “, sabi ng punong-guro. “ Itatanim naming ang mga chalk sa aming planeta. Ito ay magiging isang puno at magbubunga ng pambura na pangunahing pagkain sa aming planeta.”, wika ni Bekimon.
Nagulat ang mga estudyante sa sinabi ni Bekimon. Nagwika pa si Owl na pagpapapatayin niya lahat kung hindi ibibigay ang kanilang hinihingi. Ibinigay ng mga guro ang mga chalk nila at umalis na ang tatlong Alien. Buti na lang uso na noon ang tinatawag na Micro Bomb kung saan ikinabit ito ni Ginang Yema( Si Ginang Yema ang Gurong nagbibili ng minatamis sa kanyang mga estudyante kapalit ang mataas nilang marka.) sa bawat chalk box na dala-dala ng mga taga ibanbg planeta. Magkagayon man, tuwang-tuwa ang lahat dahil makakaganti rin sila.
Habang sa planetang Theamari-0A, itatanim na sana ang nga chalk ng biglang sumabog ang bawat kahon ng chalk. Kaya naman pinarusahan sila ng hari at reyna dahil sa kanilang maling nagawa, kahit mismong anak nila. Sinentensyahan ang tatlo ng 1000 taong pagkakakulong ngunit nasa isip nila ang paghihiganti sa mga taong taga-planet Earth.