Gusto nyo bang malaman ang kwento ng buhay ko? Kung gano’n basahin nyo ito.

Si Genard ay lumaking malusog at bibong bata. Ang kanyang mga kamag-anak ay lubos siyang kinagigiliwan noong siya’y bata pa. Tuwang-tuwa naman ang kanyang mga magulang sa talento nito noong dalawang taong gulang pa lamang na sumasayaw habang tinutugtog ang Macarena, ang sikat na kanta noong 90’s. Ngunit sa kabila ng maamo nitong mukha ay may itinatago pa la itong kakaibang ugali. Ang nag-aalaga sa kanya noon na kanyang pinsan ay palagi niyang kinakagat kasama na rin ang mga tiyo at tiya nito noong siya’y apat hanggang limang taon pa lamang.
Sa kabila ng tinatagong kakulitan ni Genard, ay lumaki rin naman itong isang matalinong bata. Siya ay unang pumasok ng kinder sa kanilang barangay noong 6 na taong gulang siya at ditto niya nakasabay sa pagpasok ang kanyang pinsang sa Liza. Naging magkaibigan ang mag-pinsan dahil sa sila’y magkaklase. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon minsan na silang nahuling nagkokopyahan noong mga panahong iyon, humaguhol na lamang sa iyak ang mag-pinsan. Makaraan ang ilang buwan, inilipat si Genard dahil masydo raw maingay sa barangay kung saan ako nag-aral. Inilipat si Genard sa isang paaralang bago lamang sa kanyang pandinig. Itinuloy niya ang kanyang pag-aaral sa isang school na nagngangalang Smart Kidz Tutorial House. Sa pananatili niya sa paaralang iyon, nagkaroon siya ng maraming awards kasama na ang isa sa mga pinakamagaling sa kanilang klase.

Grade 3 hanggang grade 5, hindi pa rin natatangal kay genard ang pagiging makulit nito. Minsan na rin siyang nakasakit ng kaklase sa sobrang kakulitan nito. Ang mga kaklase niya ay mababait pa rin naman sa kanya kahit may kakulitan siyang tinataglay. Pero ang hinding-hindi makakalimutang tao ni genard ay ang kanyang Best Friend na si Jose Carlo mula Grade 4 hanggang Grade 6 siya. Si Jose Carlo talaga ang best friend niya at napakabuti nitong kaibigan sa kanya. Hindi niya iniiwanan si genard kahit saan man siya magpunta at sila lagi ang nagkukwentuhan noong mga panahong iyon.
Tumuntong ako ng Grade 6 noong ako’y labing-isang taong gulang. Magiging kaklase ko pa rin sana ang mga kaklase ko noong Grade 5 ngunit inilipat ako kasama ang lima ko pang kaklase at si Jose Carlo sa section 1. Masyado kaming nanibago dahil iba ang magiging kaklase naming. Buti na lang kasama ko ang best friend ko. Dumaan ang ilang buwan at napalapit rin kami sa iba naming nga kaklase sa aming seksyon. Ngunit noong Grade 6 ko lamang nadama kung paano nga ba ang mag-isa at walang kasama. Nagsimula ito ng mapalapit ang aking kaibigan sa grupo ni Kimlee, ang sikat at popular na sa aming klase at nagging kaklase ko rin noong grade 4 at 5. Lagi na lamang sumasama si Jose Carlo sa kanila sa halip na sa akin at doon ko na nga na-realize na mag-isa na lamang ako at wala na akong best friend. Sinubukan ko naming mapalapit sa kanila sa pamamagitan ng Field Trip noon sa amin ngunit nagging tahimik lamang ako at hindi ito na-enjoy dahil masyadong malayo ang loob nila sa akin. Kaya naman nagging tahimik na bata na lamang ako magpahanggang ngayon.
Nag-graduate ako ng elementarya at magsisimula na ang paglalakbay ko tungo sa magiging buhay ko sa Sekundarya noong ako’y 12 taong gulang. Pinakuha ako ng aking ama ng test para mapabilang sa pangkat SCIENCE at salamat sa Diyos at ako’y nakapasa. Pagsapit ng Hunyo, araw ng pasukan, ay nakilala ko ang mga bago kong kaklase at nalaman ko rin na kaklase ko rin pala ang dalawa kong kaklase noong Grade 6 na si Reginae at Kim Azriel ngunit hindi ko naman ka-close ang dalawang ito. Naka-upo akong mag-isa sa isang sulok dahil wala pa nga akong kakilala sa kanila. Ngunit sa paglipas ng ilang buwan, isa-isa ko rin silang nakilala. Sa unang taon ko sa hayskul ay hindi nagging masaya para sa akin dahil wala ni isa man lang sa kanila ang nagging kaibigan ko dahil sa pagiging tahimik ko pa ng mga panahong iyon.
Ikalawang taon sa hayskul ng hindi ko na masyadong naramdamang nag-iisa lamang ako. Nagging katabi ko noon sina Paul John, Wilbert, Earl, at Leo at habang tumatagal ay nagging kaibigan ko rin sila. Uso noon ang pagkakaroon ng team colors sa subject naming Biology kay Ms. San Pedro at sila kasama rin si Vladimir ang mga kagrupo ko at kami ang lagging nangunguna sa mga team competition naming sa Biology. Ngunit pagsapit ng ikatlong taon ko sa hayskul, nakadama na naman ako ng pag-iisa. Buti na lang lubusan kong nakilala sina Thea, Camille, Julie, Milesa, at Jorgina, sila ang nagging mga kaibigan ko. Sumaya pa rin naman ang buhay ko noong 3rd year ng sila na ang nakasama ko.

Sa susunod na pasukan ay kolehiyo na ako. Magsisimula muli ang panibagong adventure sa buhay ko. Sana maging masaya rin ako sa pagsapit ko sa kolehiyo upang mas marami pa ang masulat ko dito.
No comments:
Post a Comment